top of page

Reflection Guide 16th Sunday in Ordinary Time

  • Writer: BLD LV
    BLD LV
  • 2 days ago
  • 7 min read


Word Sharing Circle (WSC) Reflection Guide

English Version:

16th Sunday in Ordinary Time


Community Word: God’s Kingdom grows in us as we live a fruitful life in Christ.

Theme: We live a fruitful life in Christ when we trust in God’s wisdom, righteousness, and mercy.

Promise: “The righteous will shine like the sun in the kingdom of their Father.” (Mt 13:43)


Reflection

The message of today's readings is beautifully captured in the words of Pope Francis: "Mercy is the bridge that connects God and man, opening our hearts to the hope of being loved forever despite our sinfulness." In a world where goodness and evil exist side by side, one of the greatest challenges of the Christian life is remaining faithful to God. We often wonder why He allows injustice, suffering, and sin to continue. Yet today's readings invite us to look beyond what we immediately see and to trust in God's wisdom, righteousness, and mercy. His ways are always higher than ours, and His patient love reveals His desire that every person come to repentance, bear lasting fruit, and share in His Kingdom.


The Book of Wisdom reveals a God who is both just and merciful. While He is the sovereign Judge over all creation, His justice is never separated from compassion. Rather than condemning immediately, God patiently gives sinners the opportunity to repent and return to Him. His mercy is not a sign of weakness but the fullest expression of His perfect love. As the psalmist proclaims, "Lord, You are good and forgiving," reminding us that every day is another opportunity to respond to His grace.


St. Paul, in his Letter to the Romans, reminds us that we cannot live this life by our own strength. Our weaknesses, limitations, and even our inability to pray as we ought become occasions for the Holy Spirit to work within us. The Spirit intercedes for us according to God's will, strengthening our hearts, purifying our intentions, and leading us toward holiness. A fruitful life in Christ begins not with self-confidence but with humble dependence on the grace of God.


In the Gospel, Jesus teaches through the parables of the weeds among the wheat, the mustard seed, and the yeast. These images reveal the mysterious growth of God's Kingdom. Good and evil may exist together for a time, but God remains in control of history. Rather than becoming discouraged by the presence of evil around us or even within ourselves, we are called to persevere in goodness and allow God to continue His transforming work. Like the mustard seed and the yeast, even small acts of faith, obedience, forgiveness, and service become instruments through which God's Kingdom quietly grows in our families, our workplaces, our ministries, and our community.


As followers of Christ and members of the BLD community, we are called not only to avoid evil but to become living witnesses of God's mercy and righteousness. We nurture the growth of God's Kingdom whenever we choose forgiveness over resentment, humility over pride, compassion over judgment, and faithfulness over convenience. Trusting in God's wisdom means allowing Him to shape our lives according to His perfect plan, even when His timing differs from our own expectations.


As God's Kingdom continues to grow within us, our journey of discipleship becomes one of continual growth. God patiently cultivates the seeds He has planted within us, inviting us each day to bear lasting fruit. If we remain open to the guidance of the Holy Spirit and persevere in trusting God's wisdom, righteousness, and mercy, we shall one day experience the fulfillment of His promise: "The righteous will shine like the sun in the kingdom of their Father" (Mt 13:43). May this glorious hope inspire us to remain steadfast in faith, fruitful in service, and joyful in our witness to Christ.


Prayer

Heavenly Father, thank You for Your mercy, kindness, and unfailing love. Thank You for never giving up on us and for continually inviting us back to You. Fill us with Your Holy Spirit, that we may choose what is right, trust in Your wisdom, and remain faithful amid trials. Help us grow into fruitful disciples who reflect Your goodness to others. May our lives bear lasting fruit for Your Kingdom and bring glory to Your name. Through Christ our Lord. Amen.


Reflection Questions

1. How have I experienced the Holy Spirit's guidance amid the presence of evil and challenges in my life?

2. How can I become an instrument of God's mercy by helping others grow in faith, holiness, and fruitful discipleship?


This Week’s Daily Mass Reading Guide:

July 19, 2026 (Sun) – Wis 12:13, 16-19/ Ps 86/ Rom 8:26-27/ Mt 13:24-43

July 20, 2026 (Mon) – Mi 6:1-4, 6-8/ Ps 50/ Mt 12:38-42

July 21, 2026 (Tues) – Mi 7:14-15, 18-20/ Ps 85/ Mt 12:46-50

July 22, 2026 (Wed) – Sg 3:1-4b/ Ps 63/ Jn 20:1-2, 11-18

July 23, 2026 (Thurs) – Jer 2:1-3, 7-8, 12-13/ Ps 36/ Mt 13:10-17

July 24, 2026 (Fri) – Jer 3:14-17/ Jer 31/ Mt 13:18-23

July 25, 2026 (Sat) – 2 Cor 4:7-15/ Ps 126/ Mt 20:20-28


“Ignorance of the Bible is ignorance of Christ. Read your Bible daily!”

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tagalog Version

Word Sharing Circle (WSC) - Gabay sa Pagninilay

Hulyo 19, 2026 – Ika-16 Linggo sa Karaniwang Panahon (Cycle A, Year II)


Community Word

Lumalago ang Kaharian ng Diyos sa atin habang namumunga tayo ng buhay kay Kristo.

Tema

Namumunga tayo ng mabuting buhay kay Kristo kapag nagtitiwala tayo sa karunungan, katuwiran, at awa ng Diyos.

Pangako

"Ang mga matuwid ay magniningning na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama." (Mateo 13:43)


Pagninilay

Maganda ang sinabi ni Pope Francis na akmang-akma sa mensahe ng mga pagbasa ngayon: "Ang awa ang tulay na nag-uugnay sa Diyos at sa tao. Binubuksan nito ang ating puso sa pag-asang tayo'y mamahalin Niya magpakailanman sa kabila ng ating pagiging makasalanan."


Sa mundong puno ng kabutihan at kasamaan, isa sa pinakamalaking hamon bilang Kristiyano ang manatiling tapat sa Diyos. Madalas nating itanong kung bakit pinapayagan pa rin Niya ang kasamaan, paghihirap, at kawalan ng katarungan. Ngunit inaanyayahan tayo ng mga pagbasa ngayon na magtiwala sa Kanyang karunungan, katuwiran, at awa, kahit hindi natin agad nauunawaan ang Kanyang mga paraan. Mas mataas ang Kanyang plano kaysa sa atin. Sa Kanyang pagtitiis at pag-ibig, binibigyan Niya ang bawat isa ng pagkakataong magsisi, magbago, mamunga, at maging bahagi ng Kanyang Kaharian.


Sa Aklat ng Karunungan, ipinakikita ang Diyos bilang makatarungan ngunit maawain. Bilang Hukom ng lahat, hindi Niya agad hinahatulan ang makasalanan. Sa halip, binibigyan Niya ito ng panahon upang magsisi at magbalik-loob. Ang Kanyang awa ay hindi tanda ng kahinaan kundi ng Kanyang ganap na pag-ibig. Tulad ng sinasabi sa Salmo, "Panginoon, Ikaw ay mabuti at mapagpatawad." Paalala ito na bawat araw ay bagong pagkakataon upang tumugon sa Kanyang biyaya.


Sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma, ipinaaalala niyang hindi natin kayang mamuhay nang tapat sa sariling lakas lamang. Ang ating mga kahinaan, limitasyon, at maging ang mga sandaling hindi natin alam kung paano manalangin ay nagiging pagkakataon upang kumilos ang Espiritu Santo. Siya ang namamagitan para sa atin ayon sa kalooban ng Diyos, nagpapalakas sa ating puso, nagtutuwid ng ating hangarin, at umaakay sa atin sa kabanalan. Ang tunay na mabungang buhay kay Kristo ay nagsisimula hindi sa pagtitiwala sa sarili kundi sa mapagkumbabang pag-asa sa biyaya ng Diyos.


Sa Ebanghelyo, ginamit ni Jesus ang mga talinghaga tungkol sa mga damo sa triguhan, sa butil ng mustasa, at sa pampaalsa. Ipinakikita ng mga ito kung paano lumalago ang Kaharian ng Diyos sa paraang tahimik ngunit tiyak. Maaaring magkasabay na umiral ang mabuti at masama sa kasalukuyan, ngunit ang Diyos pa rin ang may hawak ng lahat. Kaya sa halip na panghinaan ng loob dahil sa kasamaan sa ating paligid o maging sa ating sariling kahinaan, inaanyayahan tayong magpatuloy sa paggawa ng mabuti at hayaang baguhin tayo ng Diyos. Tulad ng maliit na butil ng mustasa at pampaalsa, kahit ang maliliit na gawa ng pananampalataya, pagsunod, pagpapatawad, at paglilingkod ay ginagamit ng Diyos upang palaguin ang Kanyang Kaharian sa ating pamilya, trabaho, ministeryo, at pamayanan.


Bilang mga tagasunod ni Kristo at mga kasapi ng BLD, tinatawag tayong hindi lamang umiwas sa kasamaan kundi maging buhay na saksi ng awa at katuwiran ng Diyos. Lumalago ang Kaharian ng Diyos sa tuwing pinipili natin ang pagpapatawad kaysa sama ng loob, ang kababaang-loob kaysa pagmamataas, ang malasakit kaysa paghatol, at ang katapatan kaysa kaginhawaan. Ang pagtitiwala sa karunungan ng Diyos ay nangangahulugang hinahayaan nating gabayan Niya ang ating buhay ayon sa Kanyang perpektong plano, kahit iba ito sa ating inaasahan.


Habang patuloy na lumalago ang Kaharian ng Diyos sa ating puso, patuloy din tayong hinuhubog bilang Kanyang mga alagad. Matiyaga Niyang inaalagaan ang mga binhing itinanim Niya sa atin upang tayo'y mamunga nang higit pa. Kung mananatili tayong bukas sa paggabay ng Espiritu Santo at patuloy na magtitiwala sa karunungan, katuwiran, at awa ng Diyos, mararanasan natin balang araw ang katuparan ng Kanyang pangako: "Ang mga matuwid ay magniningning na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama." (Mt. 13:43). Nawa'y ang pag-asang ito ang magbigay sa atin ng lakas upang manatiling matatag sa pananampalataya, masigasig sa paglilingkod, at masayang saksi ni Kristo sa araw-araw.


Panalangin

Ama naming nasa Langit, salamat sa Iyong walang hanggang awa, kabutihan, at pagmamahal. Salamat dahil hindi Mo kami sinusukuan at patuloy Mo kaming inaanyayahang magbalik-loob sa Iyo. Puspusin Mo kami ng Iyong Espiritu Santo upang lagi naming piliin ang tama, magtiwala sa Iyong karunungan, at manatiling tapat sa gitna ng mga pagsubok. Tulungan Mo kaming maging mabungang alagad na nagpapakita ng Iyong kabutihan sa iba. Nawa'y ang aming buhay ay mamunga para sa Iyong Kaharian at magbigay ng kaluwalhatian sa Iyong pangalan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.


Mga Gabay na Tanong sa Pagninilay

Paano ko naranasan ang paggabay ng Espiritu Santo as gitna ng mga pagsubok at ng kasamaan as aking buhay?

Paano ako magiging kasangkapan ng awa ng Diyos upang matulungan ang iba na lumago as pananampalataya, kabanalan, at pagiging tapat na alagad ni Kristo?


--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Council of Servant Leaders

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Alfred S. Kudemus

CSL Secretariat

BLD Catholic Charismatic Covenant Community

"Let your light shine before others, that they may see your good deeds and glorify your Father in heaven." Matthew 5:16


BUKÁS LOÓB SA DIYÓS  FOUNDATION OF LAS VEGAS

Email bldlv.org@gmail.com

Weekly Praise & Worship:

FRIDAYs Rosary: 5:30pm

Praise & Worship: 6pm

Fellowship: 8pm - 9pm

St. Joan of Arc Catholic Church

315 S Casino Center Blvd,

Las Vegas, NV 89101

1st Friday / Healing Mass:

Confession: 5:30pm-6pm

Mass: 6:30pm (Adoration & Healing Prayer to follow)

Fellowship 8:00pm - 9pm at

St. Joan of Arc Catholic Church

315 S Casino Center Blvd,

Las Vegas, NV 89101

BLD LV LOGO (1).png
  • Youtube
  • Facebook

Terms & Conditions

Privacy Policy

Accessibility Statement

©2024 Bukás Loób sa Diyós Foundation of Las Vegas, INC.

bottom of page