top of page

Reflection Guide 21st Sunday in Ordinary Time

  • Writer: BLD LV
    BLD LV
  • 18 minutes ago
  • 6 min read


Word Sharing Circle (WSC) Reflection Guide

– 21st Sunday in Ordinary Time

Community Word: We are called to deepen our faith in Jesus to grow as His disciples.

Theme: Our faith in Jesus deepens when we proclaim Him as Lord and remain steadfast in our covenant with Him.

Promise: “You are Peter, and upon this rock I will build my Church, and the gates of the netherworld shall not prevail against it.” (Mt 16:18)

Reflection

Faith in Jesus is not merely a belief we profess; it is a life we choose to live. It is allowing Him to be Lord of our lives and remaining faithful to Him, especially when following Him becomes difficult. Our faith deepens when we trust His Word, obey His will, and continue to walk with Him even when we do not understand what He is doing.

To proclaim Jesus as Lord is to surrender not only our problems but also our plans, priorities, relationships, time, possessions, and future to Him. It means allowing His Word to guide our choices and His Spirit to direct our actions. But this proclamation must go beyond our lips. It must be seen in the way we live our covenant – with faithfulness, obedience, service, forgiveness, and perseverance.

Our covenant is our response to God’s unconditional love and faithfulness. It is a commitment to remain in a living relationship with Christ and to participate actively in the life and mission of His Church and community. There will be times when serving is inconvenient, relationships are difficult, our efforts seem unnoticed, or our prayers appear unanswered. These are precisely the moments when our covenant becomes real. Steadfastness is choosing covenant over convenience.

Peter himself reminds us that steadfastness does not require perfection. He had weaknesses, doubts, and failures, yet Jesus chose him, strengthened him, and entrusted him with a mission. In the same way, the Lord calls us to remain faithful even in our weakness. We do not stand firm because we are strong, but because Christ is our Rock.

As a community, we are called to help one another remain faithful – to encourage, correct, forgive, serve, and persevere together. Each time we choose faith over fear, obedience over convenience, forgiveness over resentment, and perseverance over giving up, we renew our “yes” to the Lord. When our proclamation of Jesus as Lord becomes a total commitment and that commitment becomes our way of life, our faith deepens and our witness becomes credible. Therefore, let us remain steadfast in our covenant, trusting Christ who assures us: “You are Peter, and upon this rock I will build my Church… and the gates of the netherworld shall not prevail against it.” (Mt 16:18)

Prayer

Lord Jesus, You are my Lord and my Rock. Deepen my faith and teach me to remain faithful to my covenant with You, especially when I am tested, discouraged, or asked to surrender. Help me to proclaim that You are Lord not only with my lips but through my choices, my service, and my perseverance. Keep me rooted in You and committed to Your Church and mission. May my life be a faithful witness to Your covenant love. Amen.

Guide Questions

Reflection Guide Questions

1. In what area of my life is Jesus asking me to proclaim Him more fully as Lord and remain steadfast in my covenant with Him?

2. When my commitment, relationships, or service are tested, what helps me remain faithful instead of choosing convenience or giving up?

This Week’s Daily Mass Reading Guide:

August 23, 2020 (Sun) - Is 22:15, 18-23/Ps 138:1-2, 2-3, 6, 8/Rom 11:33-36/Mt 16:13-20

August 24, 2020 (Mon) - Rv 21:9b-14/ Ps 145/ Jn 1:45-51

August 25, 2020 (Tues) - 2 Thes 2:1-31, 14-17/ Ps 96/ Mt 23:23-26

August 26, 2020 (Wed) - 2 Thes 3:6-10, 16-18/ Ps 128/ Mt 23:27-32

August 27, 2020 (Thurs) - 1 Cor 1:1-9/ Ps 145/ Mt 24:42-51

August 28, 2020 (Fri) - 1 Cor 1:17-25/ Ps 33/ Mt 25:1-13

August 29, 2020 (Sat) - Jer 1:17-19/ Ps 71/ Mk 6:17-29

“Ignorance of the Bible is ignorance of Christ. Read your Bible daily!”

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Suggested Tagalog Version

Gabay sa Pagninilay para sa Word Sharing Circle (WSC)

Agosto 23, 2026 (Cycle A, Year II) – Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon

Salita para sa Komunidad:

Tayo ay tinawag para palalimin ang pananampalataya kay Hesus upang lumagong Kanyang mga alagad.

Tema:

Ang ating pananampalataya kay Hesus ay lumalalim kapag inihahayag natin na Siya ay Panginoon at nanatili tayong matatag sa ating tipan sa Kanya.

Pangako: “Ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.” (Mateo 16:18)

Pagninilay

Ang pananampalataya kay Jesus ay hindi lamang tungkol sa pagsasabi na naniniwala tayo sa Kanya. Ito ay isang buhay na pinipili nating isabuhay – ang pagkilala sa Kanya bilang Panginoon ng ating buhay at ang pananatiling tapat sa Kanya, lalo na kapag mahirap ang pagsunod. Lumalalim ang ating pananampalataya kapag nagtitiwala tayo sa Kanyang Salita, sumusunod sa Kanyang kalooban, at patuloy na lumalakad kasama Niya kahit hindi natin lubos na nauunawaan ang Kanyang ginagawa.

Ang pagkilala kay Jesus bilang Panginoon ay nangangahulugang buong pusong pagsuko sa Kanya—hindi lamang ng ating mga problema, kundi pati ng ating mga plano, prayoridad, relasyon, panahon, mga ari-arian, at kinabukasan. Hinahayaan nating gabayan ng Kanyang Salita ang ating mga desisyon at ng Kanyang Espiritu ang ating mga kilos. Ngunit hindi dapat manatili sa ating mga labi lamang ang pagkilala natin kay Jesus bilang Panginoon. Dapat itong makita sa paraan ng ating pamumuhay bilang mga taong may tipan sa Kanya—sa katapatan, pagsunod, paglilingkod, pagpapatawad, at pagtitiyaga.

Ang ating covenant o tipan ay tugon natin sa walang kondisyong pagmamahal at katapatan ng Diyos. Ito ay pangakong manatili sa isang buhay na ugnayan kay Cristo at aktibong makibahagi sa buhay at misyon ng Kanyang Simbahan at komunidad. May mga pagkakataong mahirap maglingkod, nagiging mahirap ang ating mga relasyon, tila walang nakakakita sa ating mga ginagawa, o parang hindi sinasagot ang ating mga panalangin. Sa mga ganitong pagkakataon nasusubok at nagiging tunay ang ating covenant. Ang pananatiling tapat ay pagpili sa covenant kaysa sa sariling kaginhawaan.

Ipinapaalala sa atin ni Pedro na ang pagiging matatag sa pananampalataya ay hindi nangangahulugang kailangan nating maging perpekto. May mga kahinaan, pag-aalinlangan, at pagkakamali rin siya. Gayunman, pinili siya ni Jesus, pinalakas, at pinagkatiwalaan ng isang misyon. Ganoon din tayo. Tinatawag tayo ng Panginoon na manatiling tapat kahit sa gitna ng ating mga kahinaan. Hindi tayo nananatiling matatag dahil malakas tayo, kundi dahil si Cristo ang ating Bato.

Bilang isang komunidad, tinatawag tayong tulungan ang isa’t isa na manatiling tapat – magpalakasan, magtuwid, magpatawad, maglingkod, at magtiyaga nang sama-sama. Sa bawat pagkakataong pinipili natin ang pananampalataya kaysa takot, pagsunod kaysa sariling kaginhawaan, pagpapatawad kaysa sama ng loob, at pagtitiyaga kaysa pagsuko, muli nating sinasabi ang ating “oo” sa Panginoon.

Kaya, manatili tayong tapat sa ating covenant. Kapag ang pagkilala natin kay Jesus bilang Panginoon ay naging buong pusong commitment at ang commitment na ito ay naging paraan ng ating pamumuhay, lalong lalalim ang ating pananampalataya at magiging tunay at kapani-paniwala ang ating pagsaksi. Manatili tayong nakaugat kay Cristo, ang ating Bato, at magtiwala sa Kanyang pangako: “Ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking Simbahan… at hindi ito magagapi ng mga pintuan ng kamatayan.” (Mt 16:18)

Panalangin

Panginoong Hesus, Ikaw ang aking Panginoon at aking Bato. Palalimin Mo ang aking pananampalataya at turuan Mo akong manatiling tapat sa aking covenant sa Iyo, lalo na sa mga panahong ako ay sinusubok, pinanghihinaan ng loob, o hinihingan Mong sumuko sa Iyong kalooban. Tulungan Mo akong ipahayag na Ikaw ang aking Panginoon, hindi lamang sa aking mga salita kundi sa aking mga desisyon, paglilingkod, at pagtitiyaga. Panatilihin Mo akong nakaugat sa Iyo at tapat sa Iyong Simbahan at misyon. Nawa’y maging tapat na saksi ang aking buhay sa Iyong pag-ibig at katapatan. Amen.

Mga Gabay na Tanong sa Pagninilay

1. Sa anong bahagi ng aking buhay hinihingi ni Jesus na mas lubos ko Siyang kilalanin bilang Panginoon at manatiling tapat sa aking covenant sa Kanya?

2. Kapag nasusubok ang aking commitment, mga relasyon, o paglilingkod, ano ang tumutulong sa akin upang manatiling tapat sa halip na piliin ang sariling kaginhawaan o sumuko?

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Council of Servant Leaders

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Alfred S. Kudemus

CSL Secretariat

BLD Catholic Charismatic Covenant Community

"Let your light shine before others, that they may see your good deeds and glorify your Father in heaven." Matthew 5:16

BUKÁS LOÓB SA DIYÓS  FOUNDATION OF LAS VEGAS

Email bldlv.org@gmail.com

Weekly Praise & Worship:

FRIDAYs Rosary: 5:30pm

Praise & Worship: 6pm

Fellowship: 8pm - 9pm

St. Joan of Arc Catholic Church

315 S Casino Center Blvd,

Las Vegas, NV 89101

1st Friday / Healing Mass:

Confession: 5:30pm-6pm

Mass: 6:30pm (Adoration & Healing Prayer to follow)

Fellowship 8:00pm - 9pm at

St. Joan of Arc Catholic Church

315 S Casino Center Blvd,

Las Vegas, NV 89101

BLD LV LOGO (1).png
  • Youtube
  • Facebook

Terms & Conditions

Privacy Policy

Accessibility Statement

©2024 Bukás Loób sa Diyós Foundation of Las Vegas, INC.

bottom of page