Reflection Guide 25th Sunday in Ordinary Time

English Version:
Word Sharing Circle (WSC) Reflection Guide
25th Sunday in Ordinary Time
Community Word: God's love calls us to a life of continuous conversion.
Theme: Our conversion brings us to trust in God's wisdom and generosity.
Promise: “The Lord is good to all and compassionate toward all his works.”
(Ps 145:9)
Reflection
A genuine encounter with Jesus is more than a powerful experience in prayer or an emotional moment with God. When we truly encounter Him, our lives begin to change. He transforms the way we see ourselves, others, our circumstances, and the purpose of our lives. Conversion becomes a turning point from living mainly for ourselves to living for God and for others.
As we grow in our relationship with the Lord, conversion teaches us to trust not only in God's love but also in His wisdom and generosity. We begin to realize that God's ways are often different from our ways. The world measures success according to achievement, status, possessions, influence, and personal gain. We may even measure blessings according to what we receive and compare ourselves with others when things do not happen according to our expectations. Yet God's wisdom leads us to a different way – the way of humility, service, compassion, and love.
God does not give according to our limited human standards of fairness or merit. His generosity flows from His goodness, and His plans unfold according to His loving providence. What may seem delayed, insufficient, or even unfair to us may be part of a greater purpose that we cannot yet see. Conversion calls us to move from insisting on our own plans to asking, “Lord, what do You want me to do?” It invites us to surrender our expectations and trust that God knows what is best for us.
Before our encounter with Christ, we may have measured our worth by our accomplishments, possessions, position, or the approval of others. But conversion helps us discover that our worth is already secure because we are loved by God. We no longer need to prove ourselves or compete with others. Instead, we are free to faithfully fulfill our responsibilities with God, for God, and for His Kingdom.
Trusting God's providence does not mean that we will never experience difficulties, disappointments, or uncertainty. It means believing that God remains faithful even when we do not understand His ways. He is with us in our joys and struggles, our strengths and weaknesses, and even in moments when our faith is tested. As we surrender what we cannot control, fear gradually gives way to peace, discouragement to hope, and uncertainty to courage.
As community members, we are also called to journey together in trusting God's providence. We do not walk alone. Through our covenant relationships, we encourage one another to remain faithful, surrender our fears, and trust that God is continually at work in our lives, families, and community.
Let us hold firmly to His promise: “The Lord is good to all and compassionate toward all his works.” May our conversion deepen our trust in God's wisdom, open our hearts to His generosity, and move us to become channels of His goodness to others.
Prayer
Lord, thank You for Your unfailing goodness and compassion. We surrender to You our plans, fears, and uncertainties. Teach us to trust in Your wisdom and generosity, especially when we do not understand Your ways. Deepen our faith, give us peace in times of uncertainty, and renew our hope when we are discouraged. May we remain faithful to You and become channels of Your compassion and generosity to our families, our community, and wherever You send us. In Jesus' name, and through the intercession of Mama Mary, we pray. Amen.
Reflection Guide Questions
1. What area of my life am I still trying to control instead of surrendering to God's wisdom and loving providence?
2. How is my conversion leading me to trust God's ways more deeply and become a generous channel of His goodness to my family, community, and others?
This Week’s Daily Mass Reading Guide:
Sept 20, 2026 (Sun) – Is 55:6-9/ Ps 145:2-3, 8-9, 17-18/ Phil 1:20-24, 27/ Mt 20:1-16
Sept 21, 2026 (Mon) – Eph 4: 1-7, 11-13/ Ps 19:2-3, 4-5/ Mt 9:9-13
Sept 22, 2026 (Tues) –Prv 21:1-6, 10-13/ Ps 119:1, 27, 30, 34, 35, 44/ Lk 8:19-21
Sept 23, 2026 (Wed) – Prv 30: 5-9/ Ps 119:29, 72, 89, 101, 104, 163/ Lk 9:1-6
Sept 24, 2026 (Thurs) – Eccl 1:2-11/ Ps 90:3-4, 5-6, 12-13, 14, 17bc/ Lk 9:7-9
Sept 25, 2026 (Fri) – Eccl 3:1-11/ Ps 144L1b, 2abc, 3-4/ Lk 9:18-22
Sept 26, 202 (Sat) – Eccl 11:9 – 12:8/ Ps 90:3-4, 5-6, 12-13, 14, 17/ Lk 9:43b-45
“Ignorance of the Bible is ignorance of Christ. Read your Bible daily!”
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Suggested Tagalog Version
Gabay sa Pagninilay para sa Word Sharing Circle (WSC)
Setyembre 20, 2026 (Siklo A, Taon II) – Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Salita para sa Komunidad: Ang pag-ibig ng Diyos ay tumatawag sa atin sa patuloy na pagbabagong-buhay.
Tema: Ang ating pagbabagong-buhay ay nag-aakay sa atin upang magtiwala sa karunungan at kabutihang-loob ng Diyos.
Pangako: “Ang Panginoon ay mabuti sa lahat, at ang kanyang habag ay para sa lahat niyang nilikha.” (Awit 145:9, MBB)
Pagninilay
Ang tunay na pakikipagtagpo kay Jesus ay hindi lamang isang makapangyarihang karanasan sa panalangin o isang sandaling nadama natin ang presensya ng Diyos. Kapag tunay nating nakatagpo ang Panginoon, nagsisimulang magbago ang ating buhay. Binabago Niya ang paraan ng ating pagtingin sa ating sarili, sa kapwa, sa ating mga pinagdaraanan, at maging sa layunin ng ating buhay. Ang pagbabagong-buhay ay nagiging isang mahalagang pagbabago ng direksyon, mula sa pamumuhay para lamang sa sarili tungo sa pamumuhay para sa Diyos at sa kapwa.
Habang lumalalim ang ating relasyon sa Panginoon, natututo tayong magtiwala hindi lamang sa Kanyang pag-ibig kundi pati sa Kanyang karunungan at kagandahang-loob. Madalas, iba ang paraan ng Diyos sa ating paraan. Sa mundo, ang tagumpay ay sinusukat sa mga natamo, posisyon, ari-arian, impluwensya, at pansariling pakinabang. Minsan, ikinukumpara rin natin ang ating sarili sa iba at nagtatanong kung bakit tila mas marami silang natatanggap. Ngunit inaakay tayo ng karunungan ng Diyos sa ibang landas, ang landas ng kababaang-loob, paglilingkod, habag, at pag-ibig.
Ang Diyos ay hindi nagbibigay batay lamang sa ating pamantayan ng pagiging karapat-dapat o kung ano ang tingin nating patas. Ang Kanyang kagandahang-loob ay nagmumula sa Kanyang kabutihan, at ang Kanyang mga plano ay bahagi ng Kanyang mapagmahal na pagkalinga sa atin. Ang tila pagkaantala, kakulangan, o pagkabigo sa ating paningin ay maaaring bahagi pala ng mas dakilang layunin ng Diyos na hindi pa natin lubos na nauunawaan. Kaya't ang pagbabagong-buhay ay nagtuturo sa atin na hindi laging ipilit ang sarili nating plano kundi itanong, “Panginoon, ano po ba ang nais Mong gawin ko?”
Bago natin tunay na makilala si Kristo, maaaring sinusukat natin ang ating halaga sa ating mga nagawa, pag-aari, katungkulan, o sa pagtanggap ng ibang tao. Ngunit sa ating pagbabagong-buhay, natutuklasan nating mahalaga tayo dahil minamahal tayo ng Diyos. Hindi na natin kailangang patunayan ang ating sarili o makipagkumpitensya sa iba. Sa halip, malaya tayong gampanan nang tapat ang ating mga pananagutan kasama ang Diyos, para sa Diyos, at para sa Kanyang Kaharian.
Ang pagtitiwala sa pagkalinga ng Diyos ay hindi nangangahulugang wala na tayong mararanasang hirap, pagkabigo, o kawalan ng katiyakan. Nangangahulugan ito ng paniniwalang nananatiling tapat ang Diyos kahit hindi natin nauunawaan ang Kanyang mga paraan. Habang isinusuko natin sa Kanya ang mga bagay na hindi natin kayang kontrolin, ang takot ay unti-unting napapalitan ng kapayapaan, ang panghihina ng loob ay ng pag-asa, at ang kawalan ng katiyakan at ng lakas ng loob.
Bilang mga kasapi ng BLD Community, hindi tayo naglalakbay nang nag-iisa. Sa ating mga tipanang ugnayan, tinutulungan at pinalalakas natin ang isa't isa upang manatiling tapat, magsuko sa Panginoon, at magtiwala na Siya ay patuloy na kumikilos sa ating buhay, pamilya, at komunidad.
Panghawakan natin ang Kanyang pangako: “Ang Panginoon ay mabuti sa lahat, at ang kanyang habag ay para sa lahat niyang nilikha.” Nawa'y ang ating patuloy na pagbabagong-buhay ay magpalalim sa ating pagtitiwala sa karunungan ng Diyos, magbukas ng ating puso sa Kanyang kagandahang-loob, at magtulak sa atin na maging daluyan ng Kanyang kabutihan sa kapwa.
Panalangin
Panginoon, salamat po sa Iyong walang sawang kabutihan at habag. Iniaalay at isinusuko namin sa Iyo ang aming mga plano, takot, at mga alalahanin. Turuan Mo kaming magtiwala sa Iyong karunungan at kagandahang-loob, lalo na kapag hindi namin nauunawaan ang Iyong mga paraan. Palalimin Mo ang aming pananampalataya, bigyan Mo kami ng kapayapaan sa gitna ng kawalan ng katiyakan, at panibaguhin Mo ang aming pag-asa kapag kami ay pinanghihinaan ng loob. Nawa'y manatili kaming tapat sa Iyo at maging daluyan ng Iyong habag at kabutihan sa aming pamilya, komunidad, at saanman Mo kami isugo. Sa ngalan ni Jesus, at sa pamamagitan ng panalangin ni Mama Mary, Amen.
Mga Gabay na Tanong
Sa anong bahagi ng aking buhay nahihirapan pa akong magsuko at magtiwala sa karunungan at mapagmahal na pagkalinga ng Diyos?
Paano ako inaakay ng aking patuloy na pagbabagong-buhay upang higit na magtiwala sa mga paraan ng Diyos at maging daluyan ng Kanyang kabutihan at kagandahang-loob sa aking pamilya, komunidad, at kapwa?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Council of Servant Leaders
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Alfred S. Kudemus
CSL Secretariat
BLD Catholic Charismatic Covenant Community
"Let your light shine before others, that they may see your good deeds and glorify your Father in heaven." Matthew 5:16

.png)